Sunday, December 11, 2011

:p

December 13, 1988.. may pinanganak na batang ubod ng ganda. ngunit kagaya ng apoy na nasa lampara. 








She's so beautiful, so inviting, yet fatal and deceitful for she destroyed whoever came too close.. ahaha 






Happy Birthday sa'yo! Advance Happy Mother's day na din! :p





Sunday, October 30, 2011

Oo oh Hindi?

Naniniwala ba kayo sa "PANLILIGAW"? to be honest, ako, hindi. Para saken kasi ang pagsasabi ng "PWEDE BANG MANLIGAW?" ay kaparehas lang ng pagsasabi ng "PWEDE BANG PAKITA KO SA'YO GOOD SIDE KO? TO FOLLOW NA LANG YUNG BAD SIDE PAG GIRLFRIEND NA KITA". Sumangayon ka man oh hindi wala akong pake.

PANLILIGAW-- Isang paraan ng panunuyo ng isang lalaki sa kanyang nagugustuhang babae. Ito ay isang panahon bago humantong sa kasunduan ng pagiisang dibdib at kasal.

Ang panliligaw daw ay nagsimula pa nung unang panahon. Kung kelan yun eh hindi ko alam. Ito daw yung panahon kung saan pupunta ang lalake sa bahay ng napupusuan nyang babae at sinusuyo ang magulang ng nagugustuhan nya, nag-iigib ng tubig, nagsisibak ng kahoy, tumutulong sa gawaing bahay at syempre, ang walang kamatayang panghaharana. Nagaganap daw ito sa hapon (afternoon) oh pagkatapos ng siyesta or sa gabi oh pagkatapos ng hapunan. 

Siguro nung panahon nila masasabing okay na okay talaga ang panliligaw, 100% pure ang babae, seryoso ang mga lalake, sobrang dalang (rare) ang two timer at nasa gubat pa ang mga ahas. Pero sa panahon ngayon? di na ata bagay. Try mo magsibak ng kahoy sa bahay ng babaeng gusto mo, baka ipukpok pa sayo ng erpat nya yung kahoy dahil kalat lang ginagawa mo dahil may LPG naman sila. Try mo mag-igib ng tubig sa balon, baka ipainom pa sayo lahat ng yun dahil may NAWASA naman na, na di hamak na mas malinis at di makating ipangligo. May nabasa pa kong line na "Ibang iba ang ligawan noon at ligawan ngayon, dati kailangan pang tumawid ng limang bundok, tatlong ilog, dalawang gubat ng lalaki bago makadating sa bahay ng babae, pagdating pa dun itak ng tatay nya sasalubong sayo, di gaya ngayon na pumunta ka lang ng tindahan, magpaload ka ng 30 at mag unli ka, makakapanligaw ka na.

Ligawan stage daw yung pinaka kilig. Yung makakaramdam ka ng paru-parong umiikot sa tsan mo pag nakikita mo sya. Parang bass ng Teach me how to dougie yung tibok ng puso mo sa sobrang lakas ng kabog kapag magkasama kayo. Yung tipong halos mapunit na pisngi mo sa sobrang smile habang katxt mo sya. Excited ka pag may usapan kayo na magkikita kayo. Dito yung time na ipapakita mo lahat ng maganda sayo. Kung gaano ka kasweet, kung pano ka mag care sakanya, kung paano mo sya bigyan ng time, kung gaano sya kahalaga sayo, kung gaano nya pinapasaya araw mo. Pero after neto ano na? Kapag kayo na.. Kapag tapos na ligawan? Kapag napasagot mo na? Back to normal ka na? Kung nung nililigawan mo sya ang motto mo eh "You first before anything else" balik ka na sa "Me Myself and I"? 1 year mahigit mo niligawan, 3 months lang tumagal relationship nyo. "Kasi hindi naman sya ganun dati eh" 

Sa panahon ngayon "Formality" na lang matuturing ang "Ligawan". Para sa iba, ito ay paraan para magkakilala kayo ng lubusan. Pero magtataka ka lagi mong maririnig ang salitang "HINDI KA NAMAN GANYAN DATI" pag medyo kalagitnaan na ng pagsasama at may mga nagaganap ng pagaaway. Kung paraan ito ng "lubos na pagkilala" eh baket may mga bagay na nagugulat na lang ang isa't isa na ganun pala yung karelasyon nila? Baket may mga bagay na nagiging dahilan ng away nila? Kasi ang totoo, paraan ito para mapakita lang ang good side mo, mapakita kung gaano ka ka-sincere sa simula. para saken di naman talaga mahalaga kung paano kayo nagsimula eh, ang importante lang eh kung papaano kayo gagalaw na magkasama, paano nyo tatanggapin ang isa't isa ng buong buo. Kung mahal nyo naman ang bawat isa baket hahayaan nyo pang patagalin? dahil yun ang nakasanayan? paano kung mainipin yung isa at pakipot masyado yung isa? paano kung torpe yung isa at sobrang conservative yung isa? 

Ang pagmamahal ay isang bagay na nararamdaman, hindi bagay na pinagaaralan at nakukuha sa panlabas na katangian, Laging tandaan. Magkaiba ang "... kasi mahal kita" sa "mahal kita kasi..." 

Saturday, October 15, 2011

Hindi Ba Pwede Parehas?

Hay, inaantok ako.. =_=

  Edi matulog ka!

kaso nagugutom ako..

  edi kumaen ka na muna bago ka matulog!

tinatamad na ko bumangon..

  tinatamad oh ayaw mo lang talaga?!

di ko nga alam eh..

  alamin mo kung ano yung priority mo! yung dapat! yung talagang kailangan mo, yung magpapasaya sayo..

paano ko malalaman kung ano sa kanila? parehas ko silang gustong gawin.. parehas ko sila kailangan..

  tandaan mo iba yung "Kailangan" sa "Gusto" parang Love vs Crush..

yun nga eh.. pakiramdam ko parehas sila eh..

  may mga bagay na Gusto mo lang pero di mo naman talaga kailangan.. nagkakataon lang na akala mo  kailangan mo oh mahal mo yun pero pag nakuha mo na malalaman mong di naman pala talaga.. at yung inakala mong gusto mo lang oh wala lang, yung parang di mo kailangan, yun pa yung talaga kailangan mo oh talagang mahal mo..

pero diba nga Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una. -Bob Ong


  Eh sino ba sakanila yung "mahal" mo?


di ko alam.. basta ang alam ko di ko kaya bitawan yung isa dahil di ko kayang makitang hawak sya ng iba, di ko naman magawang hawakan yung isa dahil pakiramdam ko mabibitawan ko din sya..nahihirapan ako baka magkamali ako ng pagpili?! baka masaktan ako?! oh ako yung makasaket.. 


  Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo satabi mo… ganyan ang senaryo sa bus.. Ganyan din ang pag-ibig .. Lalong di mo kontrolado kung kailan sya bababa.-Bob Ong  Basta sundin mo lang kung sino ba talaga. kung sino ba talaga yung kailangan mo, yung magpapasaya sayo, yung kumukumpleto sayo.. Pero wag mong susubukan pagsabayin.. kapag pinakaen ka ng tulog pwede ka mabulunan at mamatay..


Sino naman ang kayang kumaen habang tulog?!


Sabagay..


di na ko inaantok! di na din ako nagugutom! dami mo pa kasi sinabi! 


=_=








Wednesday, October 12, 2011

Two is Better Than One











Two timer - lalake oh babaeng hindi makuntento sa isa. Taong makasarili na hindi inisip nararamdaman ng karelasyon at tanging ang sariling interes lamang ang mahalaga. Kumag na favorite ata kantang Two is Better Than One kaya naghahanap pa ng iba. 






Friday, October 07, 2011

Nagkataon lang..:D

Dahil natuwa ako sa mga nacompute ko.. ishashare ko sya..

ANO ANG LAMANG NYA SA MGA NAGING EX KO???

Una kong Gf.. MATALINO
Pangalawa kong Gf: MAGANDA

SYA????



AKO AT UNA..

Birthday ko: April 27 or 04.27
Birthday nya: February 20 or 02.20

04 + 27 = 31, 3 + 1 = 4
02 + 20 = 22, 2 + 2 = 4

4 + 4 = 8

27 + 20 = 47, 4 + 7 = 11


Date naging kami: August 11 or 08.11 :D




AKO AT PANGALAWA..


Birthday ko: April 27 or 04.27 (Ang galing noh, hindi nagbago? :p) 
Birthday nya: June 02 or 06.02

April + June = October
04 + 06 = 10

27 + 02 = 29

Date naging kami: October 29 or 10.29 :D


Balik tayo ngayon sa tanong ko sa simula..


ANO ANG LAMANG NYA SA MGA NAGING EX KO???

Una kong Gf.. MATALINO
Pangalawa kong Gf: MAGANDA

Birthday nya: NOVEMBER 29 or 11.29

in short

SYA: BEAUTY AND BRAIN :D



Wednesday, September 28, 2011

Akala mo lang yun



Ang alam mo..

"Good Morning" Pagbati ko sayo sa umaga.

"Ingat Ka" Pag papaalala ko na alagaan mo sarili mo.

"Good Night" Pagbati sa ko sayo sa gabi..




Pero ang totoo..


"Good Morning" Paraan ko sa pagsabing "ikaw ang unang una kong naaalala pagkagising"

"Ingat Ka" Paraan ko para sabihing "inaalala kita bawat oras"

"Good Night" Paraan ko sa pagsabing "Hanggang sa pagtulog ikaw ang nasa isip ko"

Saturday, September 17, 2011

Iniibig Kahit Ika'y Panaginip Lang..

Hating gabi
Gising pa't naghihintay
Di maidlip at nagbibilang ng tala..

Sa karamihan nito'y mayroong isang natatangi
At sa t'wing tatanawin
Muka mo ang nasasaisip

Ewan ko ba
Bakit pa nagpakita pa
Sa panaginip sana'y mahagkan ka
Sa Tuwina

Kahit na di na gumising pa
Wag lang malayo sa piling mo
Iniibig kahit ika'y panaginip lang

Iniibig kahit ika'y panaginip lang..

WTF part 2

Lam mo yung feeling na gusto mo magsabi ng "TAKE ME LORD!" dahil sa kahihiyan? hindi dahil sa nabuko ka ng crush mo na may gusto ka sakanya kundi.. NADULAS KA SA OVERPASS SA HARAP NG MADAMING TAO! =))

Friday, September 16, 2011

WTF!

Alam mo yung moment na gusto mo matunaw? yung tipong hilingin sa lupa na kainin ka nya? oh piliting bumalik sa sinapupunan ng nanay mo? dahil sa sobrang hiya sa kras mo?! Eh yung feeling na gusto mong pumaslang ng tao? yung tipong dahil sakanya kaya ka nabuking ng kras mo na sya yung topic nyo? Eh yung feeling na gusto mo kausapin at magexplain sa kras mo, pero di mo magawa dahil gusto mong magpakaen na lang sa lupa? =_=






ahaha pota naranasan ko yan kanina! taena talaga! :))

Tuesday, September 13, 2011

:p


Gusto kita, gusto mo siya at may gusto siyang iba, hindi ba puwedeng gusto mo ako, gusto kita? at bahala na sila sa buhay nila.

Monday, September 12, 2011

malabo

Eh ano kung di mo ko gusto?! Basta ako gusto kita! malakas naman fighting spirit ko kaya di ako nawawalan ng pagasa! Nung nasa college ka "Books before boys" motto mo, nagawa ko ngang mahintay graduation mo yun pa kayang maging tayo? :p May bf ka na? Eh ano kung TAKEN ka! tanggalin ko lang yang T, AKEN ka na.. :p


Thursday, September 08, 2011

Untitled

Kwentuhan mode

sya: Uy **** matanong ko lang, bat wala kang gf?
ako: baket mo natanong?
sya: wala, curious, feeling ka kasi masyado! choosy?!
ako: di ko alam kung choosy tawag dun.
sya: baket, ano ba hanap mo sa babae? sexy? maganda? hot?!
ako: hmmmmm (biglang nagisip sabay banat)

Di ako tumitingin sa katawan, dadating din kasi ang araw na tataba sya, kukulubot, papanget, magmumukang tinapay na inamag...

Normal kong hinahanap..

expressive yung mata..
killer smile.. (literal ahaha)
mahaba buhok..
medyo mahinhin pero palaban.. (yung tipong marunong manuntok pag nayayamot)
kayang lumabas ng bahay ng walang make-up..
blooming pa din kahit uwian na..
mabango pa din kahit hindi maligo at kahit mukang madungis na.. :p
handang humarap saken kahit bagong gising, walang hilamos, walang toothbrush, walang suklay..
*optional-- magaling magdrive.. (yung kaya ko talunin pag hinamon ko karera >:D)

sya: ahh kilala ko yan ah!
ako: hehe
sya: MAY ASAWA NA YUN! PAKAMATAY KA NA LANG! AHAHAHA
ako: INAMO!

Friday, September 02, 2011

Manifesto Part 2

Ang Tunay na Babae ay alam kung pano i-handle ang paninindigan ng mga (nagki-claim na sila ay) tunay na lalake. 

1. Ang tunay na lalake ay di natutulog.
Ang Tunay na Babae ay may pampagising.
2. Ang tunay na lalake ay di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot.
Ang Tunay na Babae ay sasagot ng cryptic smileys.
3. Ang tunay na lalake ay laging may extra rice.
Ang Tunay na Babae ay kaya kang papayatin.
4. Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian.
Ok lang. Ayaw ng Tunay na Babae ang malambot.
5. Ang tunay na lalake ay walang abs.
Ang Tunay na Babae din.
6. Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw.
Ang Tunay na Babae ay nag-sigh of relief.
7. Ang tunay na lalake ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake.
Ang Tunay na Babae ay ichi-chika sa kapwa Tunay na Babae ang mga kamaliang taglay mo.
8. Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief.
Ang Tunay na Babae ay iiwan ka.
9. Ang tunay na lalake ay di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil may babaeng gagawa noon para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay ang pagkalalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae.
Ang Tunay na Babae ay magyayaya na lang mag-dinner out. Pagkatapos ay bibigyan ka ng dahilan para makalimutan mo pangalan MO.
10. Ang tunay na lalake ay di nagsisimba.
Ang Tunay na Babae ay ipagdarasal ka.









galing sa isip ng - HAY!MEN!

Manifesto!



Paalala: Ang inyo pong mababasa ay hindi galing sa aking isipan at hindi ko opinyon. Ito po ay akin lamang nabasa at irerepost ko lang po ulit dahil natawa lang ako. :D 


Manifesto ng tunay na lalake
  1. Ang tunay na lalake ay di natutulog.
  2. Ang tunay na lalake ay di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot.
  3. Ang tunay na lalake ay laging may extra rice.
  4. Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian.
  5. Ang tunay na lalake ay walang abs.
  6. Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw.
  7. Ang tunay na lalake ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake.
  8. Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief.
  9. Ang tunay na lalake ay di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil may babaeng gagawa noon para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay ang pagkalalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae.
  10. Ang tunay na lalake ay di nagsisimba.



           ahahahahahahahahahaha!  Ang weird nung number 8 ampota! =)) 

Monday, August 29, 2011

Popoy's Useless Invention

"O SIGE! makipagbalikan ka na naman sa kanya tapos magaway na naman kayo tapos mgbalikan na naman kayo tapos magaway na naman ulit kayo!" Familiar ba? Eto pa,  "I already gave 5 years of my life, it's about time you give me what i want"? na sinagot naman ng "But you're asking for to much! ang gusto mo mawala ka sa piling ko".Mga linyang talaga namang tumatak sa isip ng marami. Mga scenes na nagpaemo at nagpalabas ng one sided na buhok ng mga nanuod, pero wala na atang makakalimot at tatalo pa sa linyang  "Di mo ba alam yung three month rule?! Lahat ng taong na inlove at nagbreak ay alam yun! Bash maghihintay ka muna tatlong buwan.. tatlong buwan bago ka magka-boyfriend ulit! hindi mo alam yun?! Bash may dalawang linggo pa'ko eh! dalawang linggo pa! Bat ba kating-kati kang palitan ako?!".. Oha! lupet noh! sa pelikulang "ONE MORE CHANCE" yan! na ang bida ay si popoy at basha, mga characters na pang "masa", kwento na "realistic" and dating. Pero kung iisipin mo imbento talaga si popoy eh! Ewan ko ba naman kung san nya nahagilap yung kasabihan na yun! Kung sinong ponsyo pilatong tukmol yung nagsabi nun sakanya! oh kung saang search engine nya na search yung kasabihan na yun! mula kasi nung sinabi nya yun eh nauso na. Pero actually nacurious din ako kung totoo ba talaga yun. Ayon sa kumpare kong si google merong tatlong "3 month rule" siyang alam! 3 month rule na pinauso ng isang wrestler, 3 month rule na pinauso ng isang utak manok na kano tungkol sa unang tatlong buwan ng bagong magjowa, at ang pinakasikat, ang 3 month rule na pinauso ni popoy! ahaha pero kahit sino man ang totoo sakanila! tarages! POGI lang na kagaya ni popoy ang susunod sa mga yun! :)) 




so paano yan? 3 months na tayong break?! so pwede na ko lumandi?! AHAHAHA




ORAYT! :))

Wednesday, August 24, 2011

Entrance Only!


Ang dami daming pumapasok sa utak ko! 









Ang problema walang lumalabas! 

Thursday, August 18, 2011

Palakol

“Hindi porket di mo nakikita ay masasabi mo ng hindi totoo, baket ang multo?! :p.”


"SOULMATE" - Totoo nga kaya yun? Yun daw yung taong para talaga sayo, yung kabiyak daw ng puso mo, yung kapartner daw ng espirito mo? Ewan, Pwede, Oo, Hindi. Tingin mo? Oo? kasi nakita mo na? paano mo nalaman na sya nga talaga? Hindi? kasi di mo pa nakikita? Paano kung nakita mo na di mo lang alam? Pwede? Ewan? Tingin mo pag hinanap mo ba sya makikita mo? oh dapat na lang na hintayin mo? paano mo hahanapin yung taong di mo naman alam kung sino? paano mo malalaman na dumating na pala? paano kung nasalubong mo na di mo lang napansin? paano kung inaasar ka lang pala nya tapos sa iba ka naman nakatingin? sabi nila ang kambal daw kahit takpan mga mata nila kayang malaman kung sino at nasaan kakambal nila dahil sa lukso ng dugo, ganun din kaya ang soulmate? tutal naman kakambal ng puso mo diba? may lukso din kaya yun ng dugo? oh lukso ng atay? oh luksong baka lang? pero sino nga ba talaga nagpauso ng soulmate? si rizal ba? tutal sya naman yung madaming alam! may pagkaemo din sya kasi one sided buhok nya! Sabi sa kwento ni Plato sa The Symposium ang tao daw dati apat kamay, apat paa na may isang ulo na binubuo ng dalawang muka. Pero dahil kinatakutan ni ZEUS ang kapangyarihan ng mga ito, hinati nya ito sa dalawa at hinayaang mabuhay ang mga ito na hinahanap ang kapares nila! Kung ako tatanungin kung totoo ang "soulmate" sasagutin ko ng Oo. Bakit? kasi nakita ko na totoo sya. Nakita ng nanay ko soulmate nya, nakita ng tatay ko soulmate nya. Kabiyak, habambuhay na kasama. Yung taong makakasama mo sa hirap at saya. Dapat bang hanapin? Hindi, paano mo malalaman na nakita mo na? may mga bagay na di mo kailangan makita para masabi mong nahanap mo na, minsan kailangan mo lang maramdaman. :)








Baket palakol title?! 






maganda pakinggan! :D

Wednesday, August 17, 2011

Point A to Point B

Minsan naisip ko ang buhay parang driver at sasakyan, ikaw ang nagdadrive sa sarili mong sasakyang tinatawag mong buhay.. ikaw ang pipili ng gusto mong puntahan, ikaw ang pipili ng gusto mong daanan, ikaw ang pipili ng gusto mong bilis, kung papaano mo sya mamanihuhin (nabulol ka noh?) papunta sa gusto mong puntahan, kung gaano kabilis, gaano kabagal, gaano kaingat. di ako naniniwala sa salitang "Destiny". Kaya nga pagsinasabihan ako ng "tadhana yan" oh "destiny yan" oh kung ano pang kalokohang tawag dun tinatawanan ko lang. ikaw ang gagawa ng kung anong magiging ikaw bukas! hindi nanay mo, hindi tatay mo, hindi kaibigan mo, hindi yung shota mong maharot kundi IKAW! kung ano ka ngayon eh dahil dyan mo dinala ang sarili mo at hindi dahil "destiny" mo yan oh kung ano pa. hindi pwedeng magkaron ng dalawang nagmamaneho ang isang sasakyan ng sabay, hindi pwedeng ikaw ang humawak ng steering wheel at iba ang tatapak ng gas at brake pedals! wala kang pwedeng maging katulong pagnagmamaneho ka kundi sarili mo lang. pwede isang driver at isang kondoktor, (pero sa jeep lang applicable yun, private vehicle usapan).. madaming traffic, disgrasya, aksidente, pagkagasgas ng sasakyan, bangga ang mararanasan. Pagkaubos ng gas, pagkasira ng baterya, pagkapudpod ng gulong at madami pa. Pero laging tandaan na andyan ang "talyer". Ang tunay na kaibigan ng driver na handang tumulong sa tuwing may nangyayaring sira sa sasakyan nya, yung kahit disoras ng gabi pwede mo katukin para sabihing "Paayos ng gulong ko" yung sasagot ng "any time basta ikaw". 

Minsan naisip ko ang buhay parang nasa kalsada. Ikaw ang driver, buhay mo ang sasakyan, ang diyos ang liwanag sa kalsada, mga problema ang traffic at pagkasira ng sasakyan, mga kaibigan ang talyer. Di ako naniniwala sa destiny, pero sa diyos at kaibigan Oo.



(Eto iniisip ko nung muntik akong makabangga ng bata sa palengke!)

kaya

P.S..

Focus dapat pag nagmamaneho para makarating ng ligtas mula point A to point B..

Wednesday, August 10, 2011

untitled

Hay, minsan lang mangyari toh, makasama ko ang taong kras na kras ko! sh*t heaven feeling ko! sana di na matapos ang araw na toh, sana walang sagabal, walang kontra bida! atlast natupad na pangarap ko! mahawakan  ko kamay mo, makatabi ka sa paglalakad, makakwentuhan ng matagal, pero lahat talaga ng bagay may katapusan, lahat ng pangyayari may hangganan, kaya ayoko man wala akong magagawa, kailangan ko ng bumalik sa katotohanan. Kailangan ko ng bitawan kamay mo, kaylangan na nating maghiwalay. dahil..






ginigising na ko ng pamangkin kong pasaway.. hanggang sa susunod na pagtulog nawa ikaw ulit ang aking mapanaginipan..



charot! :))






Tuesday, July 19, 2011

FREE DAMN!

"If you love someone, let them go. If they return to you, it was meant to be. If they don't, TANGA KA KASI! BAT MO PINAKAWALAN!?..."

Halos labing isang taon na din pala mula nung una kitang nakita. Tatlong taon ng nakakalipas nung huling kita. Ano na kayang balita sayo? nung huling beses akong nakasagap ng balita tungkol sayo halos ikamatay ko ah.. pero ayos na ko ngayon, tanggap ko na na hindi ka para saken at hindi ako para sayo. Pero ano kaya kung naging tayo noh? paano kaya kung hanggang ngayon magkasama tayo? ako pa kaya yung ako ngayon? magiging ako pa kaya yung ako ngayon? dami kong tanong na di nasagot. Minahal mo din kaya ako? Pumasok kaya sa isip mo na paano kung naging tayo? Nagkagusto ka din ba saken? kaso lahat yun di na pwede masagot kasi iba ka na, iba na din ako. Hindi na ako si ako dati, ako na si ako ngayon at ganun ka din. paano kung isang beses magkasalubong tayo? kailangan ko pa bang sabihin sayo lahat ng toh? dapat ko pa bang sabihing "taenamo pinaiyak mo ko ah?!" oh kaya naman "gago ka ah! muntik na kong magbikti ng dahil sayo!" dapat ko pa bang ipaalam sayo na ikaw ang first crush ko? first love ko? first kiss ko? first holding hands ko? dami kong tanong tungkol saatin na dapat ko na lang pakawalan sa hangin. Mga bagay na di ko na dapat pang isipin dahil wala ng pupuntahan. Siguro masaya ka na ngayon, siguro kuntento ka na. sana nga ganun. masaya ko para sayo, ngayon totoo na. pero sana di na kita makita pa, sana di na magtagpo ang landas nating dalawa, hindi dahil sa mahal pa kita, pero kundi tanggap ko na. ngayon masasabi ko ng malaya na talaga ang puso ko mula sayo dahil sa ginawa kong to. pero di man naging tayo, thankful pa din ako dahil minsan sa buhay ko, nakilala ko ang isang katulad mo. 



"Letting go doesn’t mean giving up, but rather accepting that there are things that cannot be." 

Monday, July 18, 2011

utak kontra puso?

nawawala phone ko! T_T

di mo kasi iniingatan eh

di ah! mahalaga nga saken yun!

eh baket nawala kung mahalaga sayo?

minsan kahit anong pilit nateng wag mawala ang isang bagay, dadating talaga sa puntong mawawala sila sa piling naten..

talaga? parang hindi! kasi kung talagang mahalaga sya sayo di mo hahayaang mawala sya sa piling mo, di mo hahayaang mawala sa tabi mo!

minsan mas pinipili ng isang tao na umalis hindi dahil gusto lang nya. alam kasi nya na kung mag-stay pa sya, lalo lang magiging komplikado yung sitwasyon. hindi naman kasi ganun kadali yun lalo na kung di yun naiintindahan ng mga tao sa paligid mo lalo na yung taong iiwan mo.

sino ba naman kasi nagsabi sayo na umalis ka? bakit di mo subukang mag-stay na lang muna. baka masyado ka lang maraming iniisip kaya ka nagkakaganyan? oh masyado ka lang madaming inaasahang gawin nya?


“Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”- Bob Ong

kung pakakawalan mo agad yung bagay na yun, parang sinabi mo na din na magpapaiwan ka na agad sa kasiyahan mo. ayos lang kahit mag-stay ka! ang mahalaga, nakapiling mo yung kasiyahan na yun kahit sa maiksing panahon na binigay sayo.


tanong lang pare, siya ba masaya sa piling mo? mag-stay ka pa rin ba kahit na pinaparamdam nya sayo na umalis ka na? kung alam mong iiwan ka din pala nung kasiyahan na yun, bakit patatagalin mo pa? lalo mo lang pahihirapan yung sarili mo na mag-let go pag nagkataon.

paano mo naman nasabi na hindi sya masaya sa piling ko?basta para saken, ang mahalaga eh mag-stay lang ako sa tabi nya. gusto ko syang bantayan para kahit pano malaman nya na mahalaga sya sakin, poprotektahan ko sya at di ko kayang mawala sya..



ganun ba


...


hay nasan na kaya phone ko? T_T


aba ewan ko sayo!

hay missed call mo naman oh


teka.. 


(kring kring w/ vibrate)
ay, asa bulsa ko pala :p

Saturday, July 16, 2011

Kawalan

"Twenty years from now you will be more disappointed by the things you didn't do than by the ones you did. So throw off the bowlines, sail away from the safe harbour. Catch the trade winds in your sails. Explore. Dream." - Mark Twain




Ayan ang itsura ng taong may gustong gawin pero:

Hindi magawa dahil nangangambang mali ang gagawin nila.

Tinatamad silang gawin yung gusto nilang gawin

Pakiramdam nila madaming sagabal sa gusto nilang gawin



at ayan ang itsura ko ngayon.. :|

Thursday, July 14, 2011

gomburza

Meeting you was fate, becoming your friend was a choice, but falling in love with you I had no control over.





Sampung taon na ang lumipas

ikaw pa din laman ng puso't isipan

di ko tuloy alam

kung "pagibig" pa ba oh sadyang "katangahan" ang pinapairal

nakakatawang isipin na hanggang ngayon mahal pa din kita

nakakabwisit tanggapin na kahit anong gawin hindi kita makuha

ikaw ang unang nagpaiyak sa puso kong bato

kung paano ay sa pagsabing "hindi ikaw ang mahal ko"

pangalawang beses na kasawian sayo din natamo

sa sobrang katangahan pati sa pangatlo

sa huling pag kakataon iiyakan kita

martyr man tawagin pero wag kang magalala

isinusumpa kong ito'y huli na

sadyang masaket lang talaga

na malaman na ang taong pinakamamahal ko



ay ikinasal na sa iba.. 

Wednesday, July 13, 2011

Simula

"The beauty of a woman is not in the clothes she wears, the figures that she carries, or the way she combs her hair. The beauty of a woman must seen in her eyes, because that is the doorway to her heart - The place where love resides"




ang totoo wala ko sa mood gumawa ng blog.. 




next time na lang!