Monday, July 18, 2011

utak kontra puso?

nawawala phone ko! T_T

di mo kasi iniingatan eh

di ah! mahalaga nga saken yun!

eh baket nawala kung mahalaga sayo?

minsan kahit anong pilit nateng wag mawala ang isang bagay, dadating talaga sa puntong mawawala sila sa piling naten..

talaga? parang hindi! kasi kung talagang mahalaga sya sayo di mo hahayaang mawala sya sa piling mo, di mo hahayaang mawala sa tabi mo!

minsan mas pinipili ng isang tao na umalis hindi dahil gusto lang nya. alam kasi nya na kung mag-stay pa sya, lalo lang magiging komplikado yung sitwasyon. hindi naman kasi ganun kadali yun lalo na kung di yun naiintindahan ng mga tao sa paligid mo lalo na yung taong iiwan mo.

sino ba naman kasi nagsabi sayo na umalis ka? bakit di mo subukang mag-stay na lang muna. baka masyado ka lang maraming iniisip kaya ka nagkakaganyan? oh masyado ka lang madaming inaasahang gawin nya?


“Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”- Bob Ong

kung pakakawalan mo agad yung bagay na yun, parang sinabi mo na din na magpapaiwan ka na agad sa kasiyahan mo. ayos lang kahit mag-stay ka! ang mahalaga, nakapiling mo yung kasiyahan na yun kahit sa maiksing panahon na binigay sayo.


tanong lang pare, siya ba masaya sa piling mo? mag-stay ka pa rin ba kahit na pinaparamdam nya sayo na umalis ka na? kung alam mong iiwan ka din pala nung kasiyahan na yun, bakit patatagalin mo pa? lalo mo lang pahihirapan yung sarili mo na mag-let go pag nagkataon.

paano mo naman nasabi na hindi sya masaya sa piling ko?basta para saken, ang mahalaga eh mag-stay lang ako sa tabi nya. gusto ko syang bantayan para kahit pano malaman nya na mahalaga sya sakin, poprotektahan ko sya at di ko kayang mawala sya..



ganun ba


...


hay nasan na kaya phone ko? T_T


aba ewan ko sayo!

hay missed call mo naman oh


teka.. 


(kring kring w/ vibrate)
ay, asa bulsa ko pala :p

No comments:

Post a Comment