Saturday, April 06, 2013

Lahat talaga ng bagay may partner. Sun and the moon, white and black, langit at lupa. Pero sa lahat ng partner eto yung may pinaka malalim na ibig sabihin "Hello and Goodbye". Ang daling mag hello, pero sobrang hirap mag goodbye, lalo na kung lahat ng bagay na sinabihan mo ng hello gusto mo at mahal mo. Pero minsan, kailangan mo mag goodbye para pakawalan mo yung hello mo sa maling pagkakataon at para mag hello sa bagong bagay. Hello sa pwedeng mas okay, mas masaya, mas mamahalin mo. Pero bat ganun, kung kelan ayaw mo ng mag goodbye tsaka naman nagpaparamdam, tsaka naman dumadating? Hindi ba pwedeng puro hello na lang?

Mahirap man tanggapin pero mukhang kailangan ko ng mag goodbye. Mag goodbye sa trabahong minahal ko, iningatan ko, binigyan ko ng madaming oras at panahon. Siguro talagang sa kahit na anong bagay na hawakan mo, may bagay na magpipilit at magpipilit na gumawa ng paraan para mabitawan mo yung hawak mo.

Kailangan na maggoodbye sa mga pending tasks, para makapag Hello na ang resignation letter. Kailangan na mag goodbye sa luma at mag hello sa bago. Mag goodbye sa mga di na tamang nangyayari para mag hello sa posibleng mas magandang bagay.

Sana sa pag sabi ko ng goodbye may maiwan akong mark, mark na masasabing saken. Sana may naitulong ako sakanila.