Tuesday, July 19, 2011

FREE DAMN!

"If you love someone, let them go. If they return to you, it was meant to be. If they don't, TANGA KA KASI! BAT MO PINAKAWALAN!?..."

Halos labing isang taon na din pala mula nung una kitang nakita. Tatlong taon ng nakakalipas nung huling kita. Ano na kayang balita sayo? nung huling beses akong nakasagap ng balita tungkol sayo halos ikamatay ko ah.. pero ayos na ko ngayon, tanggap ko na na hindi ka para saken at hindi ako para sayo. Pero ano kaya kung naging tayo noh? paano kaya kung hanggang ngayon magkasama tayo? ako pa kaya yung ako ngayon? magiging ako pa kaya yung ako ngayon? dami kong tanong na di nasagot. Minahal mo din kaya ako? Pumasok kaya sa isip mo na paano kung naging tayo? Nagkagusto ka din ba saken? kaso lahat yun di na pwede masagot kasi iba ka na, iba na din ako. Hindi na ako si ako dati, ako na si ako ngayon at ganun ka din. paano kung isang beses magkasalubong tayo? kailangan ko pa bang sabihin sayo lahat ng toh? dapat ko pa bang sabihing "taenamo pinaiyak mo ko ah?!" oh kaya naman "gago ka ah! muntik na kong magbikti ng dahil sayo!" dapat ko pa bang ipaalam sayo na ikaw ang first crush ko? first love ko? first kiss ko? first holding hands ko? dami kong tanong tungkol saatin na dapat ko na lang pakawalan sa hangin. Mga bagay na di ko na dapat pang isipin dahil wala ng pupuntahan. Siguro masaya ka na ngayon, siguro kuntento ka na. sana nga ganun. masaya ko para sayo, ngayon totoo na. pero sana di na kita makita pa, sana di na magtagpo ang landas nating dalawa, hindi dahil sa mahal pa kita, pero kundi tanggap ko na. ngayon masasabi ko ng malaya na talaga ang puso ko mula sayo dahil sa ginawa kong to. pero di man naging tayo, thankful pa din ako dahil minsan sa buhay ko, nakilala ko ang isang katulad mo. 



"Letting go doesn’t mean giving up, but rather accepting that there are things that cannot be." 

Monday, July 18, 2011

utak kontra puso?

nawawala phone ko! T_T

di mo kasi iniingatan eh

di ah! mahalaga nga saken yun!

eh baket nawala kung mahalaga sayo?

minsan kahit anong pilit nateng wag mawala ang isang bagay, dadating talaga sa puntong mawawala sila sa piling naten..

talaga? parang hindi! kasi kung talagang mahalaga sya sayo di mo hahayaang mawala sya sa piling mo, di mo hahayaang mawala sa tabi mo!

minsan mas pinipili ng isang tao na umalis hindi dahil gusto lang nya. alam kasi nya na kung mag-stay pa sya, lalo lang magiging komplikado yung sitwasyon. hindi naman kasi ganun kadali yun lalo na kung di yun naiintindahan ng mga tao sa paligid mo lalo na yung taong iiwan mo.

sino ba naman kasi nagsabi sayo na umalis ka? bakit di mo subukang mag-stay na lang muna. baka masyado ka lang maraming iniisip kaya ka nagkakaganyan? oh masyado ka lang madaming inaasahang gawin nya?


“Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”- Bob Ong

kung pakakawalan mo agad yung bagay na yun, parang sinabi mo na din na magpapaiwan ka na agad sa kasiyahan mo. ayos lang kahit mag-stay ka! ang mahalaga, nakapiling mo yung kasiyahan na yun kahit sa maiksing panahon na binigay sayo.


tanong lang pare, siya ba masaya sa piling mo? mag-stay ka pa rin ba kahit na pinaparamdam nya sayo na umalis ka na? kung alam mong iiwan ka din pala nung kasiyahan na yun, bakit patatagalin mo pa? lalo mo lang pahihirapan yung sarili mo na mag-let go pag nagkataon.

paano mo naman nasabi na hindi sya masaya sa piling ko?basta para saken, ang mahalaga eh mag-stay lang ako sa tabi nya. gusto ko syang bantayan para kahit pano malaman nya na mahalaga sya sakin, poprotektahan ko sya at di ko kayang mawala sya..



ganun ba


...


hay nasan na kaya phone ko? T_T


aba ewan ko sayo!

hay missed call mo naman oh


teka.. 


(kring kring w/ vibrate)
ay, asa bulsa ko pala :p

Saturday, July 16, 2011

Kawalan

"Twenty years from now you will be more disappointed by the things you didn't do than by the ones you did. So throw off the bowlines, sail away from the safe harbour. Catch the trade winds in your sails. Explore. Dream." - Mark Twain




Ayan ang itsura ng taong may gustong gawin pero:

Hindi magawa dahil nangangambang mali ang gagawin nila.

Tinatamad silang gawin yung gusto nilang gawin

Pakiramdam nila madaming sagabal sa gusto nilang gawin



at ayan ang itsura ko ngayon.. :|

Thursday, July 14, 2011

gomburza

Meeting you was fate, becoming your friend was a choice, but falling in love with you I had no control over.





Sampung taon na ang lumipas

ikaw pa din laman ng puso't isipan

di ko tuloy alam

kung "pagibig" pa ba oh sadyang "katangahan" ang pinapairal

nakakatawang isipin na hanggang ngayon mahal pa din kita

nakakabwisit tanggapin na kahit anong gawin hindi kita makuha

ikaw ang unang nagpaiyak sa puso kong bato

kung paano ay sa pagsabing "hindi ikaw ang mahal ko"

pangalawang beses na kasawian sayo din natamo

sa sobrang katangahan pati sa pangatlo

sa huling pag kakataon iiyakan kita

martyr man tawagin pero wag kang magalala

isinusumpa kong ito'y huli na

sadyang masaket lang talaga

na malaman na ang taong pinakamamahal ko



ay ikinasal na sa iba.. 

Wednesday, July 13, 2011

Simula

"The beauty of a woman is not in the clothes she wears, the figures that she carries, or the way she combs her hair. The beauty of a woman must seen in her eyes, because that is the doorway to her heart - The place where love resides"




ang totoo wala ko sa mood gumawa ng blog.. 




next time na lang!