Sunday, October 30, 2011

Oo oh Hindi?

Naniniwala ba kayo sa "PANLILIGAW"? to be honest, ako, hindi. Para saken kasi ang pagsasabi ng "PWEDE BANG MANLIGAW?" ay kaparehas lang ng pagsasabi ng "PWEDE BANG PAKITA KO SA'YO GOOD SIDE KO? TO FOLLOW NA LANG YUNG BAD SIDE PAG GIRLFRIEND NA KITA". Sumangayon ka man oh hindi wala akong pake.

PANLILIGAW-- Isang paraan ng panunuyo ng isang lalaki sa kanyang nagugustuhang babae. Ito ay isang panahon bago humantong sa kasunduan ng pagiisang dibdib at kasal.

Ang panliligaw daw ay nagsimula pa nung unang panahon. Kung kelan yun eh hindi ko alam. Ito daw yung panahon kung saan pupunta ang lalake sa bahay ng napupusuan nyang babae at sinusuyo ang magulang ng nagugustuhan nya, nag-iigib ng tubig, nagsisibak ng kahoy, tumutulong sa gawaing bahay at syempre, ang walang kamatayang panghaharana. Nagaganap daw ito sa hapon (afternoon) oh pagkatapos ng siyesta or sa gabi oh pagkatapos ng hapunan. 

Siguro nung panahon nila masasabing okay na okay talaga ang panliligaw, 100% pure ang babae, seryoso ang mga lalake, sobrang dalang (rare) ang two timer at nasa gubat pa ang mga ahas. Pero sa panahon ngayon? di na ata bagay. Try mo magsibak ng kahoy sa bahay ng babaeng gusto mo, baka ipukpok pa sayo ng erpat nya yung kahoy dahil kalat lang ginagawa mo dahil may LPG naman sila. Try mo mag-igib ng tubig sa balon, baka ipainom pa sayo lahat ng yun dahil may NAWASA naman na, na di hamak na mas malinis at di makating ipangligo. May nabasa pa kong line na "Ibang iba ang ligawan noon at ligawan ngayon, dati kailangan pang tumawid ng limang bundok, tatlong ilog, dalawang gubat ng lalaki bago makadating sa bahay ng babae, pagdating pa dun itak ng tatay nya sasalubong sayo, di gaya ngayon na pumunta ka lang ng tindahan, magpaload ka ng 30 at mag unli ka, makakapanligaw ka na.

Ligawan stage daw yung pinaka kilig. Yung makakaramdam ka ng paru-parong umiikot sa tsan mo pag nakikita mo sya. Parang bass ng Teach me how to dougie yung tibok ng puso mo sa sobrang lakas ng kabog kapag magkasama kayo. Yung tipong halos mapunit na pisngi mo sa sobrang smile habang katxt mo sya. Excited ka pag may usapan kayo na magkikita kayo. Dito yung time na ipapakita mo lahat ng maganda sayo. Kung gaano ka kasweet, kung pano ka mag care sakanya, kung paano mo sya bigyan ng time, kung gaano sya kahalaga sayo, kung gaano nya pinapasaya araw mo. Pero after neto ano na? Kapag kayo na.. Kapag tapos na ligawan? Kapag napasagot mo na? Back to normal ka na? Kung nung nililigawan mo sya ang motto mo eh "You first before anything else" balik ka na sa "Me Myself and I"? 1 year mahigit mo niligawan, 3 months lang tumagal relationship nyo. "Kasi hindi naman sya ganun dati eh" 

Sa panahon ngayon "Formality" na lang matuturing ang "Ligawan". Para sa iba, ito ay paraan para magkakilala kayo ng lubusan. Pero magtataka ka lagi mong maririnig ang salitang "HINDI KA NAMAN GANYAN DATI" pag medyo kalagitnaan na ng pagsasama at may mga nagaganap ng pagaaway. Kung paraan ito ng "lubos na pagkilala" eh baket may mga bagay na nagugulat na lang ang isa't isa na ganun pala yung karelasyon nila? Baket may mga bagay na nagiging dahilan ng away nila? Kasi ang totoo, paraan ito para mapakita lang ang good side mo, mapakita kung gaano ka ka-sincere sa simula. para saken di naman talaga mahalaga kung paano kayo nagsimula eh, ang importante lang eh kung papaano kayo gagalaw na magkasama, paano nyo tatanggapin ang isa't isa ng buong buo. Kung mahal nyo naman ang bawat isa baket hahayaan nyo pang patagalin? dahil yun ang nakasanayan? paano kung mainipin yung isa at pakipot masyado yung isa? paano kung torpe yung isa at sobrang conservative yung isa? 

Ang pagmamahal ay isang bagay na nararamdaman, hindi bagay na pinagaaralan at nakukuha sa panlabas na katangian, Laging tandaan. Magkaiba ang "... kasi mahal kita" sa "mahal kita kasi..." 

5 comments: