Saturday, October 15, 2011

Hindi Ba Pwede Parehas?

Hay, inaantok ako.. =_=

  Edi matulog ka!

kaso nagugutom ako..

  edi kumaen ka na muna bago ka matulog!

tinatamad na ko bumangon..

  tinatamad oh ayaw mo lang talaga?!

di ko nga alam eh..

  alamin mo kung ano yung priority mo! yung dapat! yung talagang kailangan mo, yung magpapasaya sayo..

paano ko malalaman kung ano sa kanila? parehas ko silang gustong gawin.. parehas ko sila kailangan..

  tandaan mo iba yung "Kailangan" sa "Gusto" parang Love vs Crush..

yun nga eh.. pakiramdam ko parehas sila eh..

  may mga bagay na Gusto mo lang pero di mo naman talaga kailangan.. nagkakataon lang na akala mo  kailangan mo oh mahal mo yun pero pag nakuha mo na malalaman mong di naman pala talaga.. at yung inakala mong gusto mo lang oh wala lang, yung parang di mo kailangan, yun pa yung talaga kailangan mo oh talagang mahal mo..

pero diba nga Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una. -Bob Ong


  Eh sino ba sakanila yung "mahal" mo?


di ko alam.. basta ang alam ko di ko kaya bitawan yung isa dahil di ko kayang makitang hawak sya ng iba, di ko naman magawang hawakan yung isa dahil pakiramdam ko mabibitawan ko din sya..nahihirapan ako baka magkamali ako ng pagpili?! baka masaktan ako?! oh ako yung makasaket.. 


  Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo satabi mo… ganyan ang senaryo sa bus.. Ganyan din ang pag-ibig .. Lalong di mo kontrolado kung kailan sya bababa.-Bob Ong  Basta sundin mo lang kung sino ba talaga. kung sino ba talaga yung kailangan mo, yung magpapasaya sayo, yung kumukumpleto sayo.. Pero wag mong susubukan pagsabayin.. kapag pinakaen ka ng tulog pwede ka mabulunan at mamatay..


Sino naman ang kayang kumaen habang tulog?!


Sabagay..


di na ko inaantok! di na din ako nagugutom! dami mo pa kasi sinabi! 


=_=








No comments:

Post a Comment