Monday, August 29, 2011

Popoy's Useless Invention

"O SIGE! makipagbalikan ka na naman sa kanya tapos magaway na naman kayo tapos mgbalikan na naman kayo tapos magaway na naman ulit kayo!" Familiar ba? Eto pa,  "I already gave 5 years of my life, it's about time you give me what i want"? na sinagot naman ng "But you're asking for to much! ang gusto mo mawala ka sa piling ko".Mga linyang talaga namang tumatak sa isip ng marami. Mga scenes na nagpaemo at nagpalabas ng one sided na buhok ng mga nanuod, pero wala na atang makakalimot at tatalo pa sa linyang  "Di mo ba alam yung three month rule?! Lahat ng taong na inlove at nagbreak ay alam yun! Bash maghihintay ka muna tatlong buwan.. tatlong buwan bago ka magka-boyfriend ulit! hindi mo alam yun?! Bash may dalawang linggo pa'ko eh! dalawang linggo pa! Bat ba kating-kati kang palitan ako?!".. Oha! lupet noh! sa pelikulang "ONE MORE CHANCE" yan! na ang bida ay si popoy at basha, mga characters na pang "masa", kwento na "realistic" and dating. Pero kung iisipin mo imbento talaga si popoy eh! Ewan ko ba naman kung san nya nahagilap yung kasabihan na yun! Kung sinong ponsyo pilatong tukmol yung nagsabi nun sakanya! oh kung saang search engine nya na search yung kasabihan na yun! mula kasi nung sinabi nya yun eh nauso na. Pero actually nacurious din ako kung totoo ba talaga yun. Ayon sa kumpare kong si google merong tatlong "3 month rule" siyang alam! 3 month rule na pinauso ng isang wrestler, 3 month rule na pinauso ng isang utak manok na kano tungkol sa unang tatlong buwan ng bagong magjowa, at ang pinakasikat, ang 3 month rule na pinauso ni popoy! ahaha pero kahit sino man ang totoo sakanila! tarages! POGI lang na kagaya ni popoy ang susunod sa mga yun! :)) 




so paano yan? 3 months na tayong break?! so pwede na ko lumandi?! AHAHAHA




ORAYT! :))

1 comment:

  1. wag mo sisihin si popoy!...sisihin mo yung scriptwrier ng story dahil siya ang nagpauso nun!!!!hahaha

    ReplyDelete