Thursday, August 18, 2011

Palakol

“Hindi porket di mo nakikita ay masasabi mo ng hindi totoo, baket ang multo?! :p.”


"SOULMATE" - Totoo nga kaya yun? Yun daw yung taong para talaga sayo, yung kabiyak daw ng puso mo, yung kapartner daw ng espirito mo? Ewan, Pwede, Oo, Hindi. Tingin mo? Oo? kasi nakita mo na? paano mo nalaman na sya nga talaga? Hindi? kasi di mo pa nakikita? Paano kung nakita mo na di mo lang alam? Pwede? Ewan? Tingin mo pag hinanap mo ba sya makikita mo? oh dapat na lang na hintayin mo? paano mo hahanapin yung taong di mo naman alam kung sino? paano mo malalaman na dumating na pala? paano kung nasalubong mo na di mo lang napansin? paano kung inaasar ka lang pala nya tapos sa iba ka naman nakatingin? sabi nila ang kambal daw kahit takpan mga mata nila kayang malaman kung sino at nasaan kakambal nila dahil sa lukso ng dugo, ganun din kaya ang soulmate? tutal naman kakambal ng puso mo diba? may lukso din kaya yun ng dugo? oh lukso ng atay? oh luksong baka lang? pero sino nga ba talaga nagpauso ng soulmate? si rizal ba? tutal sya naman yung madaming alam! may pagkaemo din sya kasi one sided buhok nya! Sabi sa kwento ni Plato sa The Symposium ang tao daw dati apat kamay, apat paa na may isang ulo na binubuo ng dalawang muka. Pero dahil kinatakutan ni ZEUS ang kapangyarihan ng mga ito, hinati nya ito sa dalawa at hinayaang mabuhay ang mga ito na hinahanap ang kapares nila! Kung ako tatanungin kung totoo ang "soulmate" sasagutin ko ng Oo. Bakit? kasi nakita ko na totoo sya. Nakita ng nanay ko soulmate nya, nakita ng tatay ko soulmate nya. Kabiyak, habambuhay na kasama. Yung taong makakasama mo sa hirap at saya. Dapat bang hanapin? Hindi, paano mo malalaman na nakita mo na? may mga bagay na di mo kailangan makita para masabi mong nahanap mo na, minsan kailangan mo lang maramdaman. :)








Baket palakol title?! 






maganda pakinggan! :D

4 comments:

  1. di ko alam, nabasa ko lang yun.. tanong ko kay kumpareng plato! :D

    ReplyDelete
  2. close kayo?!!unless gumamit ka ng spirit of the glass para kausapin siya!

    ReplyDelete
  3. nakainuman ko na kasi yan! naglabas nga ng sama ng loob yang si pareng plato nung nalasing! :))

    ReplyDelete