Wednesday, August 17, 2011

Point A to Point B

Minsan naisip ko ang buhay parang driver at sasakyan, ikaw ang nagdadrive sa sarili mong sasakyang tinatawag mong buhay.. ikaw ang pipili ng gusto mong puntahan, ikaw ang pipili ng gusto mong daanan, ikaw ang pipili ng gusto mong bilis, kung papaano mo sya mamanihuhin (nabulol ka noh?) papunta sa gusto mong puntahan, kung gaano kabilis, gaano kabagal, gaano kaingat. di ako naniniwala sa salitang "Destiny". Kaya nga pagsinasabihan ako ng "tadhana yan" oh "destiny yan" oh kung ano pang kalokohang tawag dun tinatawanan ko lang. ikaw ang gagawa ng kung anong magiging ikaw bukas! hindi nanay mo, hindi tatay mo, hindi kaibigan mo, hindi yung shota mong maharot kundi IKAW! kung ano ka ngayon eh dahil dyan mo dinala ang sarili mo at hindi dahil "destiny" mo yan oh kung ano pa. hindi pwedeng magkaron ng dalawang nagmamaneho ang isang sasakyan ng sabay, hindi pwedeng ikaw ang humawak ng steering wheel at iba ang tatapak ng gas at brake pedals! wala kang pwedeng maging katulong pagnagmamaneho ka kundi sarili mo lang. pwede isang driver at isang kondoktor, (pero sa jeep lang applicable yun, private vehicle usapan).. madaming traffic, disgrasya, aksidente, pagkagasgas ng sasakyan, bangga ang mararanasan. Pagkaubos ng gas, pagkasira ng baterya, pagkapudpod ng gulong at madami pa. Pero laging tandaan na andyan ang "talyer". Ang tunay na kaibigan ng driver na handang tumulong sa tuwing may nangyayaring sira sa sasakyan nya, yung kahit disoras ng gabi pwede mo katukin para sabihing "Paayos ng gulong ko" yung sasagot ng "any time basta ikaw". 

Minsan naisip ko ang buhay parang nasa kalsada. Ikaw ang driver, buhay mo ang sasakyan, ang diyos ang liwanag sa kalsada, mga problema ang traffic at pagkasira ng sasakyan, mga kaibigan ang talyer. Di ako naniniwala sa destiny, pero sa diyos at kaibigan Oo.



(Eto iniisip ko nung muntik akong makabangga ng bata sa palengke!)

kaya

P.S..

Focus dapat pag nagmamaneho para makarating ng ligtas mula point A to point B..

No comments:

Post a Comment