Thursday, September 08, 2011

Untitled

Kwentuhan mode

sya: Uy **** matanong ko lang, bat wala kang gf?
ako: baket mo natanong?
sya: wala, curious, feeling ka kasi masyado! choosy?!
ako: di ko alam kung choosy tawag dun.
sya: baket, ano ba hanap mo sa babae? sexy? maganda? hot?!
ako: hmmmmm (biglang nagisip sabay banat)

Di ako tumitingin sa katawan, dadating din kasi ang araw na tataba sya, kukulubot, papanget, magmumukang tinapay na inamag...

Normal kong hinahanap..

expressive yung mata..
killer smile.. (literal ahaha)
mahaba buhok..
medyo mahinhin pero palaban.. (yung tipong marunong manuntok pag nayayamot)
kayang lumabas ng bahay ng walang make-up..
blooming pa din kahit uwian na..
mabango pa din kahit hindi maligo at kahit mukang madungis na.. :p
handang humarap saken kahit bagong gising, walang hilamos, walang toothbrush, walang suklay..
*optional-- magaling magdrive.. (yung kaya ko talunin pag hinamon ko karera >:D)

sya: ahh kilala ko yan ah!
ako: hehe
sya: MAY ASAWA NA YUN! PAKAMATAY KA NA LANG! AHAHAHA
ako: INAMO!

No comments:

Post a Comment