Nafeel mo na ba yung kahit naraw araw kayong nagkikita ng mahal mo namimiss mo pa din sya? ganun nararamdaman ko ngayon. Di ko alam kung baket pero bigla ko na lang sya naramdaman netong paggising ko. Kala ko nga wala lang, normal lang, kaso parang hindi. Parang gusto mo sya agad tawagan, makita mayakap kaso malayo sya. Kinalimutan ko muna lahat ng toh para pumasok sa trabaho. Naligo, kumaen, nilabas ko na yung sasakyan sa garahe. Habang nagdadrive bigla ko nanaman syang naramdaman. Pagdating ko sa opisina medyo nakalimutan ko yun, daming gagawin eh. Lumipas ang pananghalian, merienda. Uwian na sawakas, pero di pa din mawala yung nararamdaman ko kaya naisipan ko ng makipagkita. Nagkita kami na may pagsalubong ng ngiti sa mga labi nya. parang masaya sya, samantalang ako halatang may nararamdamang hindi maganda. kwentuhan, kaen, palipas ng oras. Pero kahit magkasama na kami nandun pa rin yung nararamdaman ko, parang alam kong kasama ko sya, nahahawakan ko sya pero malayo pa din. Humarap sya saken at biglang may inabot, isang pirasong papel na nakatupi, wag ko daw babasahin, sabay pahabol nya ng wag daw ako magpaparamdam sakanya bukas buong araw. Walang tawag, walang txt. Tinanong ko kung baket pero ngumiti lang sya sabay sabing "secret", pag daw di ako sumunod magagalet sya, tignan daw namin kung sino mananalo, kapag nagtxt ako o tumawag, sya, kapag nagawa kong di magparamdam, ako. Lumipas ang panibagong araw. tinupad ko yung pinagawa nya saken. excited pa nga kong makita sya para sabihing natalo ko sya sa usapan namin. Dali dali akong nagpunta sakanila. Nagtaka ko na sa labas pa lang ng bahay nila ang dami ng tao, bulaklak, ilaw. Pagpasok ko ng pinto unti unti ng tumulo luha ko, di ko alam magiging reaksyon ko. Kinuha ko yung tinago kong papel na bigay nya at binasa ang nakasulat.
"Nagawa mong di magtxt at magparamdam ng isang araw :) panalo ka! oh, araw araw mong gagawin yan ah, isipin mo na lang na isang araw pa lang ang lumilipas, sorry di ako nakapagpaalam, ayokong makita mo kong nanghihina at umiiyak. mahal na mahal kita"
Thursday, October 18, 2012
Sunday, June 10, 2012
Tuesday, June 05, 2012
Parang May Kulang.
"Dont cry because its over, smile because it happened....."
Nagising na lang ako isang umaga, naramdaman ko parang may kulang. Kumain ako ng almusal, nakausap ko na lahat ng tao sa bahay, pero bakit ganito parang ang bigat ng pakiramdam ko. Pumasok ako sa trabaho. Nag-iisip pa rin.Muntik na nga akong matisod sa kakaisip lang nito.Tinanong na ako ng mga katrabaho ko, ano ba meron sa kin bakit ang tamlay ko. Sabi ko hindi ko alam, di ko maintindihan. Alam mo ba yung pakiramdam na parang may malaking butas sa sarili mo, tipong merong kilangang makapuno? Yun ang naramdaman ko nung araw na yun. Gusto ko na ngang sumigaw, magwala, malay ko ba kung ano lang ito. Pero hindi ko ginawa, hindi naman dapat.
Mga bandang tanghali pagkatapos ng tanghalian, tumawag siya, alam mo na siya, yung babaing minahal ko buong buhay ko pero iniwan ako para sa ibang tao. Wala lang, nangamusta lang. Labas daw kami pagkatapos ng trabaho, nag-isip ako ng mabuti, kung papayag ako o hindi, naisip ko ano ba namang masama, nasa malayo naman nagtatrabaho ang boyfriend niya, parang malalaman di ba? Natapos ang araw sobrang excited ako, sinundo ko siya sa trabaho, kumain kami, nag-usap, binalik ang nakaraan, sabi ko na lang wag nang pag-usapan may buhay na siya, masaya na rin ako sa buhay ko, kaibigan na lang maibibigay ko, ang drama pa nga sabi niya mahal pa daw niya ako, kumpara ba ko sa bago, mas mabait daw ako, mas maintindihin, mas understanding, sabi ko nga aba eh bakit mo sakin sinasabi yan, ano ito bolahan, natawa lang siya kahit hindi nakakatawa, nainis nga ako di ko nalang pinakita, pero kahit na nag usap kami nandun parin yung malaking butas. Nararamdaman ko pa rin, hanggang sa naisip ko baka kulang lang ako ng pagtawag sa kanya, pero hindi naman kase madalas ako tumatawag sa kanya, siguro namn kilala niyo na kung sino yun. Naglalakad na kami pauwi, nakalimutan ko kahit sandali ang kulang na nararamdaman. Napatawa pa ko sa mga biro niya. Biglang nag ring ang cellphone ko, kapatid niya umiiyak, sabi ko, “bakit?” Kasama ko ate mo, pauwi na kami. Bigla siyang natahimik, tinanong ko, “bakit?”, at dahan dahan niyang sinabi.."pano nangyari yun eh si ate nadisgrasya, na total wreck sasakyan niya..kuya patay na siya" Nabigla ako hindi ko maintindihan pano nangyari na patay na siya eh kasama ko pa, pag harap ko sa likod ko..nandun parin sya, ganun pa rin suot niya pero duguan na..napaluha ako, ngumiti lang siya at sinabi na "naramdaman mo na ba yung pakiramdam na parang may kulang hindi mo maintindihan kung bakit?" Napa OO na lang ako habang patuloy na lumuluha.."papunta ako sayo ngayon, dahil gusto kung sabihin na ikaw pala yun, yung kulang sa buhay ko..gusto ko na sana pakasal tayo..pero d iba sabi ko naman sayo kahit anong mangyari gusto ko bago ako mamatay ikaw ang nasa tabi ko" Tapos bigla na lang siyang nawala..bumigat lalo pakiramdam ko,napaupo ako sa lapag, wala nalang akong nagawa kung hindi umiyak..bakit kung kailan lahat ng sinabi niya tama sa pandinig ko, hangin nalang ang lahat ng ito.................

Wednesday, April 11, 2012
ehhh
"Regrets are felt when it's just too late. - sabi ko"
Yung moment na nagkita kayo ng may crush sayo nung high school. At dahil di sya maganda dati di mo sya pinapansin, ngunit nung nagkita kayo after ng ilang bagyo, lindol, sakuna at pagtatae. hot na nya, ganda pa. bigla nyang itatanong sayo yung "Kilala mo pa ba ko?" na may halong ngiting pang-akit na parang sinasabi nyang "type kita dati, pero ngayong maganda na ko. WHO YOU" ahaha DAPAK! di pa naman huli ang lahat diba? =)))))

Tuesday, April 10, 2012
:p
Ninja - Eto yung tawag sa tao dati na nakaitim, mata lang ang kita, magaling umakyat ng puno, magaling magtago, magaling mag disguise, magaling manggaya, magaling magnakaw, magaling sa pangunguha ng mga bagay bagay. Di mo alam kung kelan ka aatakihin, kung kelan lilitaw oh magpapakita.
Best friend - Eto yung tawag ng lalake sa babae na may maitim na balak! >:), magaling umakyat ng ligaw, magaling magtago ng nararamdaman, magaling mag disguise, magaling mangasar, magaling magnakaw at manguha ng puso. Di mo alam kung kelan aamin, kelan magtatapat oh magpaparamdam.
ahahahahahahaha kaya sa mga babae, pag may tumawag sainyo ng "best friend" na lalaki magingat!
NINJA YAN!
Diba best friend?! =)))

Awkward!
Yung mga sandaling ang sarap ng pagpe-facebook at youtube mo habang nagtatrabaho ng biglang dadating yung boss mo tapos bigla mong maaalala na kayong dalawa ang nagpapatupad ng "No Streaming, downloading & using personal facebook account while working" tapos bigla kang di magrereact, lalapit sya sa pc, at sya pa ang magla-logout ng account mo. >.< AWKWARD! ahaha
Tuesday, April 03, 2012
Subscribe to:
Posts (Atom)